HumSS.

Ang Humanities and Social Science na strand ay ginawa para sa mga Studyate na nag nanais makita o maranasan ang katotohan sa kabilang dako nang ating lipunan. Sa madaling salita ang mga mag aaral nang Humss ay handa nang makipag sapalaran sa totoong mundo at makisalamuha sa mga tao. Ito ay para sa mga kabataan na nag na kukuha nang kursong, Journalism, Communication arts, Liberal arts, Education, at iba pang kurso na may kinalaman sa Social Science.

Anu ano nga ba ang mga paksa sa strand na ito?

– Totoo na pag humanista ka kaunti na lamang ang mga paksang tungkol sa numero at matematika. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Humss ay higit na madali kaysa sa ibang Strand. Malawak at marami kang matututunan dahil sa mga paksa nitong tungkol sa Politika, Relihiyon, Literatura, at Iba pang patungkol sa ating komunidad at sa buong mundo.

Ano ang maaari mong gawin pagkatapos nang Shs?

COMMUNICATION ARTS.

Sa dami nang matututunan mo tungkol sa ibat ibang uri nang pakikipag komunikasyon at teknik bilang isang Humss, maaari kang maging isang Diplomat, Manunulat, Abogado na para sa lahat.

ECONOMICS AND SOCIOLOGY.

Mayroon kang tapang at ideya upang pasukin ang politika, Civir leadership, at Community work na tanging sa Humss strand lamang mayroon. Dahim dito maaari kang maging isang Historian, Public administrator, Social worker, Anthropologist, at iba pa.

EDUCATION.

Napakaraming career ang binuksan nag Humss para sa mga kabataan, tulad nang philosophy, guidance counseling, linguistic, Historian. Dahil ang Humss ay patungkol din sa mga karanasan nang tao na mapapaunlad mo ma mga araling mayroon ang Humss.

PSYCHOLOGY

Mayroon din iba pang maging kurso na kwalipikado ang isang humss student tulad nang, Psychotherapy, Market research, Criminology, at Military Science.

Leave a comment