Bakit ka nag humss? Isa sa mga tanong na kadalasan kong naririnig. Ang Humanities and Social Sciences ay kasama na pagpipilian sa Academic track na kilala rin sa tawag na HUMSS. Kung saan ang pakikipag komonikasyon, kumpyansa sa sarili, pagsusulat ay may mahalagang parte sa strand na ito. Maraming tao ang nang mamaliit sa strand na ito subalit hindi naman nila inuunawa ang pinagmulan nito. Alam mo ba na kapag ikaw ay nag-HUMSS maiintindihan mo kung ano ang pilosopiya at maraming bagay sa ating lipunan. Mas lalawak ang kaisipan at lalim ng iyong pag-unawa sa buhay at hindi mo ito magagamitan ng kung ano– anong mga matematika sapagkat kinakailangan mong arukin ang pilosopiya sa bawat pagkakataon.

Hindi ka Humss lang dahil kailangan ka ng bayan. Ang paghagilap ng inpormasyon ay kasama sa tungkulin sa buhay, ito ay para malaman kung ano ang totoo at para makwestyon kung ano ang totoo. Ang totoo ay HUMSS ka kasi marami kang magagawa para sa lipunan mo. Maiimpluwensyahan mo ang iba na mag-isip ng malalim. Ang isang HUMSS student ay nag-iisip ng malalim at laging kapakanan ng nakararami ang nasa isip. Hindi siya nanlalait ng paniniwala ng iba sapagkat rumirespeto sya. Nangangatwiran siya ng may lalim at mapangunawa. Maiimpluwensyahan mo ang iba na mas maging objective sa ginagawa nila. At hindi ka magpapadala sa mga balita na naririnig mo lang, nababasa mo lang. Mga sinabi ng kung sino man na sikat na personalidad sa social media o kasi kaaway mo ang pamahalaan at ayaw mo sa ginagawa nila kaya ka magbibigay ka bigla ng iyong saloobin. Kapag Humss ka, nag-iisip ka. Pinili ko ang Humss hindi dahil puro memorization lang ito o dahil “walang math”. Dahil sa Humss, bukod sa mga taong magiging pamilya mo, dito mo makikita ang saya ng pagpili ng ninanais mo at pagtulong sa iba na hindi nakikita ng ibang tao. Sa humss hindi lang ito tungkol sa lipunan bagkus ito’y nagsisilbing daan para maabot ang pangarap ng bawat isa.

Leave a comment