Mula sa “HumSS ka lang?” paptuna sa “Wow!HumSS ka?”
Maraming estudyante ng Humanities and Social Science ang nakakarinig ng mga katagang “HumSS lang ‘yan, napakadali!” “Walang challenge diyan kase HumSS lang ‘yan.”
Hindi ba’t masakit ring isipin na ganyan na lamang kababa ang tingin ng ibang mag aaral sa HumSS?
Napagkasunduang ipagdiwang ang ‘HumSS Week’ kung saan may iba’t ibang programa ang ginanap upang maipakita o maipakilala sa iba kungano nga ba ang nagaganap sa strand mg Humanities and Social Science. May mga sari’saring kompetisyon, pagbabahagi ng kaalaman at pagpapamalas ng iba’t ibang talento ng bawat kabataan ng HumSS.
Marami ang nangmamaliit sa nasabing strand, hindi nila alam dito manggagaling ang mga susunod na magigiting na pulis, guro, abogado etc. Marami kang pwedeng pasuking propesyon kung sakaling HumSS ang ‘yong pinili. Maaaring mahasa ang ‘yong pakikipagtalastasan sa ibang tao. Maaari ring talakayin dito ang kanya kanyang mga kultura o pag uugali ng bawat tao sa komunidad. Kayang kung ikaw ay estudyante ng HumSS, ito’y iyong ipagmalaki! Patunayan mong hindi ka “HumSS lang”.