bakit HUMMS? tanong ng mga taong nasa paligid ko. pinasok ko ang isang pagiging humanista dahil gusto kong mapalawak ang aking isipan tungkol sa mga bagay bagay na mahalaga sa aking paligid, gusto kong mapabuti ang aking pakikipagtalakayan sa ibang tao, napakarami kong gustong alamin na hindi ko malalaman sa ibang strand. may mga taong nagsasabe na kapag pumasok ka bilang humanista wala kang matutunan,napaka raming nagsasabe na walang kwenta ang pagiging isang humanista at madali lang daw ang stand ng mga humanista pero ang hindi nila alam na ang pagiging isang humanista ay napaka laking ambag ng kanilang ginagawa sa ating lipunan dahil sa kanilang mga propesyon sa buhay gaya na lamang ng pagiging isang guro dahil hindi matututo ang bawat isang mamamayan na magbilang, magbasa at sumulat kung walang magtuturo, pagiging isang alagad ng batas, magiging malaya ang bawat isa na gawin ang kanilang gusto dahil sa wala namang manghuhuli or walang taong pagbabawalan siya na gawin yun pero dahil sa ating mga alagad ng batas nababantayan nila tayo laban sa mga masasamang tao,pagiging isang taga ulat ng balita dahil sa mga ito nalalaman ng mga tao ang nangyayare sa loob ng ating bansa at pati narin sa labas ng bansa.

ako naman ang magtatanong sa inyo ngayon. madali bang maging isang HUMMS, madali bang maging guro, madali bang maging isang alagad ng batas, at madali rin bang mag ulat ng balita sa napakaraming tao, wag mong mamaliitin ang pagiging isang HUMMS dahil etong samahan na eto ang pinakamahalagang tao sa isang bansa.

Leave a comment